Saturday, February 25, 2017




Buod
  Kumalat ang balita sa bayan tungkol sa kasawiang nangyari, ang ilan ay naawa ngunit ang ilan naman ay nagkibit balikat lamang. Walang masisisi sa mga pangyayari, walang sino man ang mayroong kasalanan. Walang pagbabago ang tenyente ng guardia civil nang tinupad niya ng lubusan ang utos na dakipin and lima o anim na magbubukid na pinaghihinalaan at si Kabesang Tales. Nagkibit-balikat ang tagapangasiwa ng mga prayle, si Padre Clemente na wala daw siyang kasalanan sapagkat tinupad lamang niya ang kanyang tungkulin. Kung hindi siya nagsumbong ay hindi sana nasamsam ang mga sandata at hindi marahil nadakip si Kabesng Tales. Ayon pa kay Padre Clemente, ito ay isang parusa ng langit sa mga lumalaban sa hinihingi ng korporasyon.
 Si Hermana Penchang, ang matandang pinaglilingkuran ni Juli ay nakaalam tungkol sa nangyari sa mag-anak. Ito ay nakabukangbibig ng nagsusmaryosep at nag-antada nang makatatlo. Nasabi niyang, "Madalas ipatikim sa atin ng Diyos ang ganyang parusa pagkat tayo ay makasalanan o may mga nagkasala tayong kamag-anak na dapat sana'y tinuruan natin ng kabanalan ngunit hidi nating ginawa". Sa kanyang sinabi, tinukoy niya si Juli na sa kanyang paningin ay makasalanan. Minaliit niya si Juli dahil hindi pa marunong magdasal. Nagpasalamat si Hermana Penchang sa Diyos sa pagkakadakip kay Kabesang Tales upang ang kanyang anak na dalagang  si Juli ay matubos sa kasalanan at matutong magdasal kagaya ng mga kababaihang Kristiyano. Ikinulong niya si Juli sa bahay at hindi pinayagang bumalik sa nuno, kailangan niyang mag-aral magdasal, magbasa ng polyetong ipinamimigay ng mga prayle. 
 Nang malaman niya na pumunta sa Basilio sa Maynila upang matubos ang kanyang kasintahan sa paninilbihan, ay pinagbasa niya ito ng pinagbasa ng mga polyeto ni Tandang Basyo at hinikayat na pumunta sa kumbento.
 Nagdiwang ang mga prayle dahil nanalo sila sa usapin tungkol sa lupain ni Kabesang Tales. Nang makauwi si Kabesang Tales, nalaman niya na may ibang namamahala sa kanyang bukirin, natagpuan nya  ang kanyang ama subalit  hindi makausap, at naglilingkod si Juli sa ibang tao. Hindi makapagsalita si Kabesang Tales, tumabi siya sa kanyang ama at maghapong hindi nagsalita.



 Tauhan    
Juli
  1. Juli: Anak ni Kabesang Tales, napilitang pumasok bilang isang katulong kina Hermana Penchang para mapalaya ang ama sa pagkakakulong.
  2. Hermana Penchang: Mayaman na matandang babae na madasalin. Pinaglilingkuran siya si Juli. 
  3. Kabesang Tales: Ama ni Juli at anak ni Tata Selo, ginawa ang lahat para mapasakanya ulit ang kanyang maliit na pirasong lupa ngunit natalo sa usapin laban sa mga prayle.      
  4. Padre Clemente: Naghugas kamay na parang walang kinalaman sa pangyayari.
  5. Basilio: Kasintahan ni Juli na pumunta sa Maynila para matubos ang kasintahan sa pagkaka-alipin.
  6. Tenyente ng mga guardia civil: Pinag-utusan na samsamin ang mga sandata at dinakip si Kabesang Tales.


Suliranin sa kabanata
 Labis ang paghihirap na naranasan sa pamilya ni Kebsang Tales, kung kaya naging alipin si Juli sa ibang tao para kumita ng pera para sa kanyang ama, minaliit siya ng kanyang amo dahil hindi marunong magdasal. Kinuha ng mga prayle ang lupain dahil natalo sa usapin si Kabesang Tales. 



Isyung Panlipunan

  • Walang pantay pantay na karapatan - Makikita natin na hindi pantay ang karapatan ng mga ordinaryong  mamamayan at sa mga mayayamang tao. Mas inuuna o pinapahalagahan pa ang mga nakaaangat sa buhay.
  • Diskriminasyon - Makikita sa kabanata na ito ang pagmamaliit ni Hermana Penchang kay Juli. Matatanaw din natin sa realidad ang pagmamaliit ng iba sa kakayanan ng ibang tao.
  • Korapsyon - Matatanaw natin ang pagwawagi ng mga prayle kay Kabesang Tales, kinuha ang lupain dahil wala itong kakayanang makuha ulit ang kanyang lupa at ito ay isang halimbawa ng korapsyon.



Mga gintong aral
 Hindi lahat ng relihiyosong tao ay may mabubuting kalooban. Napag alaman ko na kahit relihiyoso ang isang tao ay may kakaiba ring pag-uugali, hindi batayan na marunong kang magbasa ng bibliya o magdasal lamang. Ang relihiyosong tao ay marunong magmahal sa kapwa at rumispeto. Nararapat nating ipaglaban ang ating sarili at hindi dapat sumuko kung hanggang sa makamit natin kung anung para sa atin. 



Jose Rizal
  

No comments:

Post a Comment